Google Earth
Baguhin ang wika:
Earth 5 | Karagatan | Mga Kasosyo

Galugarin ang karagatan gamit ang Google Earth

Nais naming pasalamatan ang malawak naming listahan ng mga kasosyo para sa pagsusumikap at sa data na kanilang iniambag sa gawaing ito. Kung mayroon kang bathymetric data o larawan ng kailaliman ng dagat na nais mong iambag, mangyaring ipaalam sa amin.

Mga Kasosyo

BBC
Ang BBC ang pinakamalaking korporasyon ng pagsasahimpapawid sa mundo. Ang misyon nito ay pagyamanin ang buhay ng mga tao gamit ang programang nagbibigay-kaalaman, nagtuturo at nagbibigay-aliw. Ito ay serbisyo-publikong tagapagsahimpapawid, itinatag sa pamamagitan ng Royal Charter at pinopondohan ng bayarin sa lisensya na binabayaran ng mga kabahayan sa UK.

Broadmedia Corporation
Pinapatakbo ng Broadmedia Corporation, sa pakikipagsosyo sa National Geographic, ang bersyon sa wikang Japanese ng premyadong Web site ng National Geographic. Nakapagtatag ang Broadmedia Group ng katangi-tanging posisyon bilang tagapamahagi ng nilalaman gamit ang sarili nitong mga platform ng teknolohiya. Nagbibigay ang Broadmedia ng nilalaman mula sa lokal at dayuhang may hawak ng nilalaman sa buong hanay ng media kabilang ang TV, pang-entablado, internet, mobile at DVD. Sa pamamagitan ng segment nitong Mga Serbisyong Pangteknolohiya, nag-aalok ang Broadmedia ng mga serbisyo sa paghahatid ng nilalaman gamit ang makabagong teknolohiya. Sa karagdagan, nagbebenta ang Broadmedia ng mga serbisyo sa pagkonekta sa broadband internet at mobile, at umaasang makapag-aambag sa pagpapahusay ng mas masaganang komunidad sa pamamagitan ng pagpapakalat ng mataas na kalidad na nilalaman.

California Academy of Sciences
Ang California Academy of Sciences ay primera klaseng institusyon ng agham at kultura na nakabase sa San Francisco. Kamakailan ay nagbukas ang Academy ng bagong pasilidad sa Golden Gate Park, isang 400,000 talampakan kwadradong istraktura na nagsisilong ng aquarium, planetarium, museo ng natural history at 4 na palapag na kakahuyan sa ilalim ng iisang bubong.

Commander Naval Meteorology and Oceanography Command
Pinapagana ng Commander Naval Meteorology and Oceanography Command (COMANVMETOCCOM) ang kaligtasan, bilis at pagiging epektibo ng pagpapatakbo ng Fleet sa pamamagitan ng pagbibigay-pansin sa mga peligro at mga pagkakataon para sa Pandagat at Pinagsamang mga pwersa na ibinabanta ng kasalukuyan at hinaharap na natural na kapaligiran.

Cousteau Society
Ang Cousteau Society ay isang membership-supported na hindi pinagkakakitaang organisasyon na dedikado sa pagprotekta at pagpapabuti ng kalidad ng buhay para sa kasalukuyan at hinaharap na mga henerasyon. Mahigit sa isang daang mga aklat at 115 mga pelikula sa ngayon ang nagdokumento ng ibat-ibang pinananahanan: Antarctica, Haiti, Cuba, the Marquesas Islands at ang Tuamotu Archipelago, New Zealand, Australia, Papua New Guinea, Thailand, ang Andaman Islands, Borneo, Indonesia, Madagascar, South Africa, Lake Baikal at ang Amazon, mga ilog na Mekong, Danube at Yellow kabilang sa iba pa. Kabilang sa pinakahuling mga paglalakbay ang Caspian Sea, ang St. Lawrence River ng Canada at Red Sea.

Deep Search Foundation

DOER Marine
Itinatag noong 1992 bilang isang marine consulting firm. Noong 1995, ang sakop at kakayahan ng firm para sa ROV at serbisyo sa suporta sa paglubog ay lumago at nagbunga ng pangangailangan ng buong kapasidad sa engineering at pagpapatakbo. Noong 2003, lumipat ang kumpanya sa 55,000 sq. ft. na pasilidad sa makasaysayang Alameda Marina kung saan patuloy itong lumalago. Ngayon, sa tulong ng buong koponan ng mga mapanlikha kabilang ang mga inhinyero, mga supervisor sa field operation, tauhan sa project management, mga technician at mga pangunahing tagapayo, nagagawa ng DOER Marine na matugunan ang mga pangangailangan ng kliyente mula sa karaniwang pagkokonsulta hanggang sa buong pagsusuri at pagpapatupad ng mga solusyon maging para sa pinakamapanghamong gawain sa ilalim ng dagat.

Eco-Nova Productions
Ang Eco-Nova Productions Limited ay matatagpuan sa Halifax, Nova Scotia. Naging korporasyon noong 1994, naging matagumpay kami sa paggawa ng de-kalibreng pang-internasyunal na pagpoprograma ng telebisyon sa mahigit na isang dekada. Ang Eco-Nova ay ang pinakamalaking tagagawa ng dokumentaryong telebisyon sa Atlantic Canada at ang pinakamalaking tagagawa ng mga dokumentaryo ng ilalim ng dagat sa Canada sa kabuuan. Ang aming serye ng Oceans of Mystery ay kasalukuyang isinasahimpapawid sa 154 na mga bansa at ang aming serye ng Sea Hunters ay nasa 172 mga bansa sa buong mundo sa ngayon.

Feodor Pitcairn Productions
Matatagpuan ang mga studio ng Feodor Pitcairn Productions sa Pennsylvania, USA – gayunpaman, matatagpuan ang aming paksang tinatalakay sa buong mundo, sa ilalim ng karagatan. Mula sa French Polynesia, hanggang sa Alaska; mula sa Channel Islands sa dalampasigan ng California hanggang sa maalamat na ecosystem ng Galapagos – ang aming misyon ay ay mahuli ang buhay at kagandahan ng mga karagatan ng mundo sa paraang magbibigay-kaalaman, tatawag ng pansin at magbibigay-liwanag. Partikular sa aming misyon ay ang malikhaing paggamit ng mataas na antas na teknolohiya. Tagapanguna ang Feodor Pitcairn sa pagkilala ng mga kapakinabangan sa paggamit ng mga Sony Broadcast television underwater na camera kumpara sa film.

FishBase Information & Research Group (FIN)
Ang FIN ay isang maliit na NGO na nakatuon upang suportahan ang mga sytem ng impormasyon ng mga species tulad ng FishBase at SeaLifeBase.

GloverWorks Consulting
Firm ng pagkonsulta na isahang pagmamay-ari na nakatutok sa agham pangkaragatan at patakaran sa karagatan.

Harte Research Institute
Ang Harte Research Institute (HRI) for Gulf of Mexico Studies ay isang kamakailang pinagkaloobang institusyon sa pagsasaliksik sa Texas A&M University-Corpus Christi. Ang misyon ng HRI ay ang suportahan at i-advance ang pangmatagalang napapanatiling paggamit at pagpapanatili ng Gulf of Mexico sa pamamagitan ng pagbibigay ng pandaigdigang pangunguna sa pagbuo at pagkalat ng kaalaman tungkol sa ecosystem ng Gulf of Mexico at ang kritikal nitong papel sa ekonomiya ng Hilagang America. Hinihikayat ng HRI ang tri-national na pananagutan at pakikiisa sa Estados Unidos, Mexico at Cuba.

International Union for Conservation of Nature (IUCN)
Tumutulong ang IUCN, ang International Union for Conservation of Nature na makahanap ang daigdig ng praktikal na mga solusyon sa ating pinakanangangailangan ng pansing mga hamon sa kapaligiran at pagpapabuti. Sinusuportahan nito ang pang-agham na pananaliksik, pinamamahalaan ang mga proyekto sa field sa buong mundo at pinagsasama-sama ang mga gobyerno, mga non-government organization, mga ahensya ng United Nations, mga kumpanya at lokal na mga komunidad upang bumuo at magpatupad ng patakaran, mga batas at pinakamahusay na kasanayan. Ang IUCN ay ang pinakamatagal at pinakamalaking pandaigdigang network na pangkapaligiran sa buong mundo - isang demokratikong unyon ng kasapiang may higit sa 1,000 miyembro sa gobyerno at NGO na organisasyon, at halos 11,000 na mga boluntaryong siyentipiko sa higit sa 160 mga bansa. Sinusuportahan ang gawain ng IUCN ng mahigit sa 1,000 propesyonal na tauhan sa 60 mga tanggapan at daan-daang mga kasosyo sa sektor na pampubliko, NGO at pribado sa buong mundo.

James Cook University
Ang James Cook University ang nangungunang pamantasan ng tropikal na pananaliksik ng Australia. Hinango namin ang aming pangalan mula sa British na manlalakbay at tagapaggalugad noong ika-labinwalong daantaon na si Captain James Cook, na ang mga mala-epikong paglalakbay ay nakapag-ambag sa mundo ng agham. Iprinoklama ang Pamantasan sa Townsville noong 20 Abril 1970, dalawandaang taon matapos pagtibayin ni Cook ang silangang baybay-dagat ng Australia, kabilang ang Queensland.

Japan Hydrographic Association
Marine Information ResearchCenter
Itinatag ang Marine Information Research Center (MIRC) saang Japan Hydrograhic Association sa ilalim ng suportang pampinasya ng Nippon Foundation noong 1997. Nagsasagawa ang MIRC ng mataas na grado ng pagkontrol sa kalidad sa oceanographic data na tinipon ng Japan Oceanographic Data Center, at naglalabas ng mga kapaki-pakinabang na mga produktong data para sa mga gumagamit sa iba't-bang mga larangan.

Marie Tharp Maps
Kinakatawan ng Marie Tharp Maps ang mahahalagang gawa ng kilalang oceanographic cartographer na si Marie Tharp at ng kanyang World Ocean Floor Map. Binigyan ng mapang ito ang mundo ng tumpak at komprehensibong pagtingin sa sahig ng karagatan. Ang kanyang pambihirang pagtuklas sa rift na malinaw na ipinakita sa mapang ito, ay tumutuloy sa gitna ng Mid-Atlantic Ridge at nagbigay ng patunay ng paglawak ng sahig ng dagat at continental drift.

Marine Conservation Biology Institute (MCBI)
Ang MCBI ay isang non-profit na NGO na naglalayong protektahan ang buhay sa karagatan sa pamamagitan ng agham at pagtataguyod ng konserbasyon. Nagsusumikap ang mga bahagi ng programa ng MCBI upang wakasan ang mga mapanirang kasanayan sa pangingisda, tantyahin ang mga banta ng klima sa mga marine ecosystem, isulong ang pamamahalang nakabatay sa ecosystem at ang pagbuo ng bagong protektadong lugar sa dagat sa kabuuan ng mga karagatan ng daigdig.

Marine Conservation Society (MCS)
Ang Marine Conservation Society (MCS) ay ang kawang-gawa sa UK na nakatuon sa pagprotekta sa ating mga dagat, pampang at wildlife. Ipinagdiwang ng MCS ang Silver Jubilee nito noong Nobyembre 2008, sa pagsasagawa ng mapagsimulang gawa nito upang iligtas ang ating mga dagat sa loob ng huling dalawampu't limang taon. HRH Ang Prince of Wales ang presidente nito. Lumikha ang MCS ng KML ng isda na makakain ng mga mamimili, na galing sa napapanatiling mga mapagkukunan sa buong daigdig, at hinuhuli nang may minimum na epekto sa kapaligirang pandagat.

Marine Geospatial Ecology Lab, Duke University
Nagsasagawa ang Marine Geospatial Ecology Lab sa Duke University ng pananaliksik sa mga pang-espasyong disenyo ng buhay sa dagat sa ating mga karagatan. Pinagsasama-sama ng aming gawa ang parehong mahalagang pananaliksik sa mga ecosystem sa dagat gamit ang mga praktikal na aplikasyon upang mapabuti ang pamamahala sa mapagkukunan sa dagat at pag-iingat. Ang aming lab ay tahanan sa Mapping and Visualization Program ng Census of Marine Life at ang lugar din ng system ng impormasyon ng hayop na pandagat ng OBIS-SEAMAP (http://seamap.env.duke.edu).

Monterey Bay Aquarium
Ang misyon ng non-profit na Monterey Bay Aquarium ay pukawin ang konserbasyon ng mga karagatan.

Monterey Bay Aquarium Research Institute (MBARI)
Ang misyon ng MBARI, the Monterey Bay Aquarium Research Institute, ay ang bumuo ng mas mahusay na mga instrumento, mga system at pamamaraan para sa pang-agham na pananaliksik sa malalim na karagatan. Bilang pribadong, non-profit na sentro ng pananaliksik, pinopondohan ng The David and Lucile Packard Foundation ang MBARI. Nagmumungkahi at nagsasagawa ng makabagong mga pag-aaral, sa kapwa pang eksperimento at panteyorya, sa siyensya ng karagatan ang mga siyentipiko ng MBARI. Nagsusulong o nag-aangkop ng pansuportang teknolohiya ang mga inhinyero at tauhan sa pagpapatakbo, sa pakikipagtulungan sa mga siyentipiko.

National Center for Ecological Analysis and Synthesis
Ang National Center for Ecological Analysis and Synthesis (NCEAS), matatagpuan sa kabayanan ng Santa Barbara, ay sentro ng pananaliksik ng University of California, Santa Barbara. Sinusuportahan ng NCEAS ang pananaliksik na cross-disciplinary na gumagamit ng umiiral na data upang tugunan ang pangunahing mahahalagang isyu sa ecology at kapanalig na mga larangan, at ang kanilang aplikasyon sa pamamahala at patakaran. Ang NCEAS ay katangi-tanging institusyon na may hayag na misyon na nag-uudyok ng pagsasanib at pagsusuri, gawing pag-unawa ang impormasyon at sa pamamagitan ng mabisang pagtutulungan, palitan kung paano isinasagawa ang agham.

National Geographic Society
Ang National Geographic Society ay isa sa mga pinakamalaking non-profit na pang-agham at pangkaalamang samahan sa buong mundo. Itinatag noong 1888, nagsusumikap ang Society upang pukawin ang mga tao na magkaroon ng pagpapahalaga sa planeta. Nakapagpondo ang National Geographic ng mahigit sa 9,000 na pang-agham na pananaliksik, proyekto sa pag-iingat at paggalugad at sumusuporta sa programa sa edukasyon na lalaban sa kawalan ng kaalaman sa heograpiya. Kabilang sa nilalaman ng National Geographic ang mga bagong paglalakbay sa karagatan, maalamat na pagkukwento, at tumpak, at nakapanghihimok na nilalaman -- kabilang ang larawan, video, mga mapa, mga interactive, mga artikulo ng magasin na National Geographic at marami pa.

National Oceanic and Atmospheric Administration (NOAA)
Nauunawaan at nagbibigay ng prediksyon ang NOAA sa mga pagbabago sa kapaligiran ng Earth, mula sa kailaliman ng karagatan hanggang sa ibabaw na bahagi ng araw, at nag-iingat at namamahala ng ating baybayin at likas na yaman ng dagat.

National Oceanography Centre, University of Southampton
Ang centre ay ang pagtutok ng bansa sa oceanography at kumakatawan sa walang kapantay na pamumuhunan sa pandagat at panlupang mga agham at teknolohiya sa UK. Nagbukas ang centre noong 1995 sa ginawa nang layunin, £50 milyong na nasa may tubigan na campus sa Empress Dock ng lungsod. Isang pagtutulungan sa pagitan ng Natural Environment Research Council at University of Southampton, pinananahan ng centre ang may 500 kawani at 750 mga mag-aaral na undergraduate at postgraduate.

National Snow and Ice Data Center at the University of Colorado at Boulder (NSIDC)
Ang National Snow and Ice Data Center (NSIDC) ay bahagi ng Cooperative Institute for Research in Environmental Sciences sa University of Colorado at Boulder. Sinusuportahan ng NSIDC ang pagsisiyasat sa mga nagyeyelong bahagi ng daigdig: ang snow, yelo, mga glacier, frozen ground, at mga ugnayan ng klima na bumubuo sa cryosphere ng Earth. Pinamamahalan at pinamamahagi ng NSIDC ang data tungkol sa cryosphere, lumilikha ng mga tool para sa pag-access sa data, sumusuporta sa gumagamit ng data, nagsasagawa ng pang-agham na pagsisiyasat, at tinuturuan ang publiko tungkol sa snow, yelo, at klima sa Earth. Nagpapakita ng mga palatandaan ang mga larawan ng yelo sa dagat at pares ng mga larawan ng glacier na kuha sa satellite mula sa National Snow and Ice Data Center tungkol sa pagbabago ng klima mula sa mga nagyeyelong rehiyon ng Earth, na napakasensitibo sa pagbabago ng temperatura. Bilang pagtugon sa umiinit na Earth, nagpakita ng kapansin-pansing pag-atras ang kapwa yelo sa dagat ng Arctic kapag tag-init at ang mga glacier ng daigdig nitong mga pinakahuling taon, tulad ng pinapakita sa mga nakasunod sa panahong mga larawang ito.

The Nature Conservancy
Ang Nature Conservancy ay ang pangunahing samahan sa konserbasyon na kumikilos sa buong mundo kasama ang mga kasosyo upang maprotektahan ang mga lupain at katubigan na mahalaga sa ekolohiya para sa kalikasan at mga tao. Sa mahigit na 100 mga proyektong pang-tubig sa mahigit na 30 bansa at lahat ng mga estado ng U.S. na malapit sa baybayin, tumutuon ang Conservancy sa konserbasyon ng karagatan na pinakikinabangan ng buhay sa dagat, mga lokal na komunidad at ekonomiya.

New England Aquarium
Itinatag noong 1969, ang New England Aquarium ay pandaigdig na pinuno sa paggalugad at pag-iingat sa karagatan. Ang Aquarium ay isa sa mga nangungunang pinupuntahan ng bisita sa Boston, na may halos 1.3 milyong mga bisita sa isang taon, at pangunahing pinagkukunan ng pampublikong edukasyon.

Ocean Conservancy
Nagsusulong ang Ocean Conservancy ng malusog at magkakaibang mga ecosystem ng karagatan at tumututol sa ma kasanayang nagbabanta sa buhay sa karagatan at buhay ng tao. Sa pamamagitan ng pananaliksik, edukasyon at nakabatay sa agham na pagtataguyod, binibigyan-kaalaman, pinupukaw at binibigyang-kapangyarihan ng Ocean Conservancy ang mga tao na magsalita at kumilos sa ngalan ng mga karagatan. Sa lahat ng mga gawa nito, nagpupunyagi ang Ocean Conservancy na maging pangunahing tagapagtaguyod para sa mga karagatan.

Ocean Research & Conservation Association (ORCA)
Ang Ocean Research & Conservation Association ay isang non-profit na korporasyon na IRS 501(c)(3) na nakatuon sa proteksyon at pagpapanumbalik ng ecosystem ng dagat at ng mga species na sinusuportahan nito sa pamamagitan ng pagbuo ng makabagong teknolohiya at pagkilos sa pag-iingat na nakabatay sa agham. Kasalukuyang binubuo ng ORCA ang Kilroy, ang sistema ng pagsubaybay ng kalidad ng tubig ng karagatang panirahan na una sa uri nito sa buong mundo. Ang matipid na system na ito ay dinesenyo upang gumana sa malawak na mga network na nag-uulat ng kalusugan ng ecosystem nang 24 oras bawat araw upang matukoy ang pinagmumulan ng polusyon sa tubig, matunton ang mapanirang epekto nito sa sensitibong mga tirahan at maisadokumento kung gaano kahusay gumana ang mga pagsusumikap sa paglilinis. Upang itampok ang pagiging three dimension ng Google Ocean, nagbigay ang ORCA ng katangi-tanging video na ang ilan ay kinunan ng Eye-in-the-Sea ng mga kakaibang hayop sa malalim na dagat at ang kanilang kapuna-punang pag-uugali, kabilang ang mga bihirang makitang bioluminescent na mga display. Kabilang sa mga sequence ng video ang anim na talampakan na pusit, natuklasan ng pangulo ng ORCA at kapwa-tagapagtatag na si Dr. Edith “Edie” Widder sa Gulf of Mexico, na masyadong bago sa agham na hindi ito maaaring isama sa kilala nang pamilyang pang-agham; isang higanteng pating na may 6 na hasang sa malalim na dagat ng Bahamas na umaatake sa umiilaw na bingwit; malalaking dikya na tinatawag na siphonophores sa Mediterranean—isang kahanga-hanga at isang kakaiba; at bihirang makitang bioluminescent na mga pagpapakita sa pusit at lumalangoy na mga sea cucumber.

Ohio State University, John Glenn School of Public Affairs
Ang John Glenn School of Public Affairs sa The Ohio State University ay isang hindi partisan na unit na interdisciplinary na naghahanda sa mga graduate student para sa propesyon sa serbisyo publiko at naglalayong palakasin ang demokrasya sa pamamagitan ng pinataas na pangsibikong pakikilahok, pampatakarang pananaliksik at outreach. Ang School ay nagbukas noong Hulyo 1, 2006 bilang pagsasanib ng matagal nang School of Public Policy and Management at ng John Glenn Institute for Public Service and Public Policy sa OSU.

Oregon State University, Department of Zoology
Isinusulong ng The Department of Zoology ang pagtuklas at pag-aaral sa lahat ng antas ng biological na pagkakaayos (molecular, cellular, organismal, populasyon, pamayanan, at ecosystem). Sinasalamin ng aming mapagsanib na pagtuon ang kahalagahan ng matatag na disciplinary at interdisciplinary na mga pamamaraan sa pananaliksik at pagtuturo. Nagpupunyagi kami para sa kahusayan at pagtutulungan sa aming mga magkaranggong programa ng pagtuturo, pananaliksik at paglilingkod. Kinikilala ang mahalagang mga papel ng agham at biology sa buhay ng mga mamamayan sa ngayon at kinabukasan, binibigyang-diin namin ang biological na pagkatuto sa aming mga programa sa pagtuturo at outreach.

Plymouth Marine Laboratory (PML)
Ang Plymouth Marine Laboratory (PML) ay isang indipindyente, walang kinikilingang tagapagbigay ng siyentipikong pananaliksik, may kontratang mga serbisyo at payo tungkol sa kapaligiran ng dagat, na may pagtuon sa pag-unawa kung paano gumagana ang ecosystem ng dagat at pagbabawas ng kawalan ng kasiguraduhan tungkol sa komplikadong proseso at mga istraktura na nagpapanatili ng buhay sa mga dagat at ang kanilang papel sa sistema ng Earth.

Rutgers University, Ocean Biogeographic Information System
Itinatag ang OBIS ng Census of Marine Life program (www.coml.org). Ito ay isang nagbabagong istratehikong alyansa ng mga tao at samahan na may iisang pananaw na gawing madaling makuha sa World Wide Web ang mga biogeographic na data na pandagat mula sa buong mundo. Hindi ito proyekto o programa at hindi ito limitado sa data mula sa mga proyektong may kaugnayan sa CoML. Anumang samahan, pagsososyo, proyekto o indibidwal ay maaaring mag-ambag sa OBIS.

Scripps Institution of Oceanography
Ang Scripps Institution of Oceanography ay isa sa pinakamatagal, pinakamalaki at pinakamahalagang mga sentro para sa pananaliksik sa agham na pangkaragatan at panlupa, edukasyon at serbisyo-publiko sa mundo. Sinasaklawan ng pananaliksik sa Scripps Institution of Oceanography ang mga pisikal, kemikal, biological, geological, at geophysical na mga pag-aaral ng mga karagatan at lupa.

Smithsonian's National Museum of Natural History (NMNH)
Ang The National Museum of Natural History (NMNH) ay bahagi ng Smithsonian Institution, ang nangungunang museo at pasilidad ng pananaliksik sa mundo. Nakatuon ang Museo sa pagpukaw ng pag-usisa, pagtuklas, at malaman ang tungkol sa natural na mundo sa pamamagitan ng di-mapantayang pananaliksik, koleksyon, mga exhibit, at mga programang outreach na pang-edukasyon nito.

South African Institute for Aquatic Biodiversity
Matatagpuan sa Grahamstown in the Eastern Cape, ang South African Institute for Aquatic Biodiversity (SAIAB) ay pandaigidgang kinikilalang sentro para sa pag-aaral ng aquatic biodiversity. Nagpapatakbo ang SAIAB ng ilang malalaki, interdisciplinary at multi-institutional na mga programa, gaya ng African Coelacanth Ecosystem Programme (ACEP), gayundin ng mga panloob na mga programa sa lugar ng mga system ng tubig-tabang, pandagat at baybayin, mula sa South African coastal, estuarine at tubig-tabang na mga system, hanggang sa paggalugad ng system ng mga ilog sa gitnang Africa at Western Indian Ocean islands.

Stanford University, Hopkins Marine Station
Ang Hopkins Marine Station, matatagpuan 90 milya mula sa pangunahing campus ng Stanford University sa Pacific Grove ay itinatag noong 1892 bilang kauna-unahang marine laboratory sa kanlurang baybayin ng North America. Ang makabagong laboratoryo sa 11-acre na lawak na campus sa Cabrillo Point ay tahanan ng sampung faculty, lahat kasapi ng Department of Biology.

Sustainable Seas Trust (SST) Ang Sustainable Seas Trust ay isang para sa Ikabubuti ng Publiko, na Kawang-gawang Samahan na tukoy na binuo upang magbigay ng pangmatagalang pagpapanatili ng mga mapagkukunan sa dagat para sa mga tao sa baybayin ng Africa. Kasama ito sa pagsasaliksik sa pag-iingat, pagbuo ng kapasidad, pagbuo ng mga protektadong lugar sa dagat, partikular sa mga kinabibilangan ng coelacanth ecosystem. Lubos na itinatampok ang edukasyon at kamalayang pampubliko sa mga layunin ng Sustainable Seas Trust.

Tag-A-Giant (TAG)
Pinangunahan ng programang Tag-A-Giant ng Stanford ang elektronikong paglalagay ng tag sa mas madalas na nagpapalipat-lipat na lugar na mga isda sa buong mundo. Sinimulan noong 1994 ng Professor sa Stanford University na si Barbara Block, nakapag-tag ang TAG Team ng higit sa 1300 na northern bluefin tuna sa Karagatan ng Atlantic at Pasipiko. Naperpekto nila ang mga diskarte sa pagpapanatili ng tuna sa loob ng laboratoryo, at nakabuo ng kemikal at genetic na diskarte sa pagtatasa upang mapag-aralan ang kilos ng populasyon sa mga grupo ng wild tuna.

Tagging of Pacific Predators (TOPP)
Ang TOPP program ay isang pandaigdig, at pang-iba't ibang larangang programa upang pag-aralan ang kilos sa pagpapalipat-lipat ng mga hayop sa malawak na karagatan sa Hilagang Pasipiko. Nagsimula noong 2000 bilang bahagi ng pandaigdigang Census of Marine Life, ang programang TOPP ay ang pagsasama-sama ng mahigit sa 100 na mga siyentipiko mula sa pitong mga bansa, gamit ang microprocessor-based na mga electronic na tag upang pag-aralan ang 23 iba't ibang mga organismo ng mga hayop sa dagat kabilang ang mga balyena, pating, tuna, ibon sa dagat, pagong at pusit.

Texas A&M University, Center for Coastal Studies
Ang Harte Research Institute for Gulf of Mexico Studies sa Texas A&M University-Corpus Christi ay isang sentro ng pananaliksik ng kahusayan na pinagkalooban $46 milyon na nakatuon sa malaking ecosystem na pandagat ng Gulf of Mexico. Ang aming pananaw ay makapagbigay ng pandaigdigang pamumuno sa pagbuo at pagpapakalat ng kaalaman tungkol sa ecosystem ng Gulf of Mexico at sa kritikal na papel nito sa mga ekonomiya sa rehiyon ng North Amerika. Ang aming misyon ay suportahan at isulong ang pang-matagalang masusuportahang paggamit at konserbasyon ng Gulf of Mexico. Ang mga pinagtutuunang lugar ng aming pananaliksik ay ang batas at patakarang pangbaybayin at pandagat, agham na pang-biodiversity at pangkonserbasyon, pag-aaral at pagmomodelo ng ng ecosystem, kalusugan ng dagat at tao, mga agham na geospatial, at socio-economics.

The Magellanic Penguin Project
Nagsimula ang penguin project ng Wildlife Conservation Society sa University of Washington Magellanic noong 1982. Isa sa unang tagumpay ng proyekto ay ang pigilan ang isang kumpanyang Japanese sa pag-ani ng mga penguin para gawing gwantes, karne, at langis. Bihira ngunit kritikal ang pangmatagalang mga pag-aaral sa pag-unawa at pagsukat ng mga epektong mayroon ang mga tao tungkol sa kapaligiran. Tagapagbantay ng dagat ang mga penguin, at karamihan sa aming trabaho ay nakatutok sa pinakamalaking kolonya ng Magellanic na mga penguin sa mundo sa Punta Tombo, Argentina.

UC Santa Barbara, Department of Ecology, Evolution, and Marine Biology
Ang Department of Ecology, Evolution, and Marine Biology (EEMB) sa University of California, Santa Barbara, binubuo ng tinaayang 35 na grupo ng faculty na mananaliksik, ay labis na nakatuon sa kahusayang pareho sa edukasyon at pananaliksik. Pangunahing abala sa pinakabalangkas na pananaliksik, ginagamit ng mga mananaliksik EEMB ang kanilang pang-agham na pag-unawa upang matugunan ang ilan sa mga pinaka nangangailanan ng pansing mga isyu pangkapaligiran sa mundo kabilang ang mga resulta ng global warming, lumalaganap at nanganganib na mga species, mga epekto ng pagbabago pangkapaligiran, biological na pagkontrol sa mga ipinakilalang peste at parasitiko, biodiversity, polusyon, nakapipinsalang mga algal bloom, at acid rain.

University of Maryland, College Park
Ang University of Maryland, College Park, ay isang unibersidad sa pananaliksik na may aktibong institusyon ng marine biotechnology na itinatag ng Kilalang Propesor ng Unibersidad na si Colwell noong 1986. Ang pagtuon ay sa molecular biology ng marine systems, kabilang ang marine microorganisms. Ginagamit ang pagsusunud-sunod ng neucleic acid at mga tool sa biotechnology sa isinasagawang pananaliksik na idinisenyo upang maunawaan ang biocomplexity ng mga karagatan.

University of Washington
Nagsimula ang penguin project ng Wildlife Conservation Society sa University of Washington Magellanic noong 1982. Isa sa unang tagumpay ng proyekto ay ang pigilan ang isang kumpanyang Japanese sa pag-ani ng mga penguin para gawing gwantes, karne, at langis. Bihira ngunit kritikal ang pangmatagalang mga pag-aaral sa pag-unawa at pagsukat ng mga epektong mayroon ang mga tao tungkol sa kapaligiran. Tagapagbantay ng dagat ang mga penguin, at karamihan sa aming trabaho ay nakatutok sa pinakamalaking kolonya ng Magellanic na mga penguin sa mundo sa Punta Tombo, Argentina. Nagbigay kami ng impormasyon tungkol sa mga penguin para sa Google Ocean kabilang ang kasaysayan ng isa sa mga penguin na sinundan namin gamit ang ARGOS satellite pati ang bakas kung saan nagpunta ang Magellanic na penguin na ito noong kanyang unang paglilimlim na paglalakbay. Mahahanap ang karagdagang impormasyon sa aming website

Virginia Institute of Marine Science
Ang Virginia Institute of Marine Science (VIMS) ay may tatlong-bahaging misyon na magsagawa ng interdisciplinary na pananaliksik sa pangbaybayin ng karagatan at agham na pang estuwarina, turuan ang mga mag-aaral at mamamayan, at magbigay ng serbisyong pagpapayo sa mga gumagawa ng patakaran, industriya at sa publiko. Ibinigay ng VIMS ang mga paglilingkod na ito sa Virginia, sa bansa at sa mundo. Ang School of Marine Science (SMS) sa VIMS ay ang graduate school sa agham pangdagat para sa College of William & Mary. Pinagtibay noong 1940, ang VIMS ay kasalukuyang kabilang sa pinakamalalaking sentro ng pandagat na pananaliksik at edukasyon sa Estados Unidos.

wannasurf.com
Ang wannasurf.com ltd, sa pamamagitan ng ilang mga website, ay nagbibigay ng may mataas na kalidad na impormasyon tungkol sa lokasyon ng pagse-surf/pagsisid/kitesurfing/skateboarding sa buong mundo,at nang-aakit ng daan-libong mga gumagamit buwan-buwan. Ang impormasyon, mga larawan at teksto ay ibinigay lahat ng mga gumagamit, na lumilikha ng hub para sa nakatuong mahilig sa sports na kung hindi man talagang hiwa-hiwalay at napakaindibidwalistiko. Nagho-host sa kasalukuyan ang site ng mahigit na 7300 lugar ng pagse-surf, 2200 lugar ng pagsisid, isinalarawan ng mahigit 44,000 na mga larawan.

Wildscreen/ARKive
Ang Wildscreen ay kawang-gawang nagsusumikap upang maisulong ang pagpapanatili at pagpapahalaga ng biodiversity sa pamamagitan ng imagery ng wildlife. Sa pakikipagtulungan sa Google, ginamit namin ang pinakamahusay na wildlife video at mga larawan sa buong mundo mula sa www.arkive.org upang i-profile at i-mapa ang 250 sa nanganganib na mga species sa dagat sa mundo.

Woods Hole Oceanographic Institution (WHOI)
Ang Woods Hole Oceanographic Institution (WHOI) ay pribado, indipendiyenteng samahan sa Falmouth, Mass., na nakatuon sa pagsasaliksik sa dagat, engineering, at mas mataas na edukasyon. Itinatag noong 1930 sa rekumendasyon mula sa National Academy of Sciences, ang pangunahing misyon nito ay ang maunawaan ang mga karagatan at ang pakikipag-ugnay ng mga ito sa Earth sa kabuuan, at upang ipahayag ang pangunahing pag-unawa sa papel ng karagatan sa nagbabagong kapaligiran sa mundo.