Google Earth
Baguhin ang wika:

Ang iyong mundo sa 3D

Milyun-milyong gumagamit ang lumilikha ng mga modelong 3D at ibinabahagi ang mga ito sa pamamagitan ng Google 3D Warehouse. Upang tingnan ang mga modelong 3D na ito sa Google Earth, i-download ang link ng network ng 3D Warehouse. Kapag binuksan mo ang file na ito, iyong makikita ang mga hugis-bahay na icon na nagsasaad kung saan nakalagay ang mga modelong 3D; panoorin ang mga video sa itaas upang matutunan kung paano gamitin ang mga icon na ito upang matingnan ang mga modelo.

Google Earth Habang ikaw ay nagpapaikut-ikot sa Google Earth, hindi ka makakikita ng screen na nagkalat ang mga icon na 3D. Ngunit kapag ikaw ay tumigil, ipapakita ang mga simbolo para sa bahaging iyon. Ang lokasyon ng tig-iisang mga modelo ay tinutukoy ng isang simbolong kulay asul na hugis-bahay; ang isang kumpol ng mga modelo ay tinutukoy ng isang simbolo na may iba't-ibang kulay. Mag-click sa icon upang i-download ang modelo mula sa 3D Warehouse.
Google Earth Plus Mag-zoom in sa isang kumpol na icon at ito ay maghahati-hati sa mga indibidwal na icon.